Ni: Gio Alfred L. Manalili
Magandang araw po sa inyong lahat. Maraming salamat at kayo po ay nakapaglaan ng oras para basahin ang aking napiling paksa sa aking blog.
Napili ko ang paksang ito dahil ito napapanahon at sariwa pa sa ating isipan ang pagbisita sa ating bansa ng ating santo papa na si Papa Fransisco. Sa pagkakataong iyon, nasaksihan ko kung gaano kalakas ang pananalig at pananampalataya ng sambayanang Filipino. Nagkasama-sama ang mga katoliko at kahit na ang iba pang relihiyon ay nakiisa din sa pagdiriwang umulan man o umaraw. Ang pagkakataong ito ay hindi ko rin pinalampas upang masaksihan ang pagdiriwang na ginanap noong ika-19 ng Enero kung saan nag misa ang Santo Papa sa Quirino Grandstand. Nagkataon rin na ang pinili kong simbahan ay itinatag ng dumating ang Santo Papa.
Isa sa mga makasaysayng pook sa Bacoor ay ang Simbahan ng Sam Miguel Arkanghel. Ito ay matatagpuan sa bayan ng Bacoor katabi ng Munisipyo ng Bacoor. Itinatag ang parokya sa bisa ng Royal Cedula noong ika-18 ng Enero 1752. Mula noon hanggang 1872, inilagay ang pangangasiwa ng parokya sa mga paring Pilipino. Naglingkod bilang kura paroko sa loog ng apatnapu't walong taon si Fr. Mariano Gomez, isa sa mga paring martir ng bantog na GOMBURZA.
Hanngang noong taong 1969, ang parokya ng San Miguel Arkanghel ay sumasaklaw sa buong bayan ng Bacoor.ang kanyang pintakasi ang matagumpay na larawan ni San Miguel Arkanghel ay handog ng hari ng Espanya sa mga taga-Bacoor kasama ang kanyang pilak na karosa na napapaligiran ng maliliit na larawan ng pitong Arkanghel. Ang larawan ni San Miguel Arkanghel ay nababalutan ng pilak na kasuotan, timbangan, senrto, sombrero, sapatos at mamahaling hiyas. sa tagal ng panahon, hindi na mabilang ang kasuotang ipinapasuot kay San Miguel Arkanghel. Taos-pusong handog ng mga taga-Bacoor sa patuloy na pamamatnubay at pagtatanggol ni San Miguel arkanghel.
San panunungkulan ni Reb. Padre Mariano Gomez delos Angeles mula 1824 hanggang 1872 bilang Cura Proprietario, ang istruktura ng simbahan ay pinalitan. Bunga ng pagkakasunog nito gawa ng digmaan at dahil na rin sa pinaslang dulot ng buong kalikasan ang buong simbahan ay muling itinayo gamit ang malalaking bato ng adobe at tegula. Dahil sa kakulangan ng sementong pangkongkreto noong araw, libo-libong puti ng itlog ng bibe ang ginamit ng mga mason upang i-ugnay ang mga bato ng adobe. Taglay ng istruktura ng simbahan ang tibay nito hanggang ngayon.
Makalipas ang panunungkulan ni Padre Gomes, dahil sa pagbubuwis ng kanyang buhay sa garote noon 1872, ang Parokya ay isinasalin sa pangangalaga ng mga Recolectos na Agustino.
Ang simbahan ng Parokya ng San Migule Arkanghel ay nanatiling nakatayo sa pagsubok ng panahon. Maraming kalamidad tulad ng lindol at bagyo ang dumating, nasunog ito at naabo, subalit ang pinsalang dulot ng digmaan ng mga Pilipino ay Kastila ag\ng humati sa tinaguriang isa sa mga pinakamahabang simbahan ng Cavite.
Sa ngayon, matibay na nananatiling nakatayo ang simbahan ng Parokya ng San Miguel Arkanghel mula sa kanyang kinatitirikan, 256 na taon na ang nakalipas at patuloy na sumasamba at nagpupuri sa Diyos.
Ang pananaw ng simbahan ay bayang tinawag ng Diyos upang maging Sambayanang Kristiyano na maka-Diyos, makabuhay, makatao, makabayan, makakalikasan, nagkakaisa at may payapang pamayanang pinatatatag ng banal na espiritu sa buhay-panalangin ay matapat sa pagsasabuhay ng Salita ng Diyos kasama ang Mahal na Ina, ang Birheng Maria.

Ang misyon ng San Miguel Arkanghel ay magsigasig na bumubuo ng sambayanang nakatalaga sa paghuhubog ng sarili, pamilya at kabataan, sa matapat at buong-pusong paglilingkod, sa pag-aangat sa kalagayan ng buhay lalo na sa mga dukha, ay sa pangangalaga at pagsasa-ayos ng kalikasan sa paggabay ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario at San Miguel Arkanghel.
Maraming salamat sa pagbabasa ng blog ko! Sana ay nagustohan nyo.